Viral sa social media ang kasal ng dalawang coronavirus frontliners sa Bacolod City.
Napagdesisyunan nina Jim Rhod Gerona at Jerahcel Mae Torrentira na magpakasal sa kanilang pinagtatrabahuang ospital dahil sa community quarantine na pinatutupad sa lugar.
Si Jerahcel ay nagtatrabaho sa records section ng Bacolod Adventist Medical Center habang sa diagnostic department naman si Jim.
Balak ng dalawa na magpakasal sa Cebu ngunit nauwi ito sa isang conference room ng ospital.
Makikita sa kasal na nakasuot ang lahat ng mask at pinapatupad ang physical distancing.