Umabot na sa 2 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus sa buong mundo nitong Miyerkules, ayon sa Johns Hopkins University.
Nasa 2,000,984 na ang infected ng virus at nasa 128,071 na ang namatay worldwide.
Ang United States ang nanguna sa dami ng namatay at nakumpirmang kaso.
Nasa 609,696 na ang kanilang confirmed cases at nasa 26,059 na ang bilang ng namamatay.