Coronavirus napapasa sa mata

Ayon sa isang experto, naipapasa umano ang coronavirus sa mata, matapos siyang mahawaan nito kahit nakasuot ito ng protective mask.

Sa teorya ni Dr. Wang Guangfa, nata-transmit ang coronavirus sa mata nang mag-positive siya sa virus kasunod ng eye infection.

Si Dr. Wang ay isa sa mga doktor na lumaban sa SARS virus sa China noong 2003.

Kaya payo ng National Health Commission ng China, magsuot din ng protective eye gear ang medical staff, ngunit maaari namang ordinaryong face mask sa publiko.