Pandemic na ayon sa World Health Organization ang coronavirus outbreak.
Ang pandemic ay paglalarawan sa sakit na lumalaganap sa maraming bansa sa magkakaparehong oras.
Ayon kay WHO chief Dr Tedros Adhanom Ghebreyesus ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa labas ng China kung saan nagmula ang sakit ay tumaas ng 13 beses sa loob lamang ng dalawang linggo.
Labis nababahala ang opisyal ng WHO sa level of inaction.
Ilang oras matapos ang anunsyo ay ipinag-utos ng gobyerno ng Italy ang pagsasara ng lahat ng shop sa bansa maliban sa food shop at pharmacies.
Inaasahan na ring susunod ang Europe matapos iutos ni Prime Minister Giuseppe Conte ang pagsasara ng mga bar, hairdressers, restaurants at cafes na hindi makakagarantiya ng isang metrong distansya sa pagitan ng customers at mga crew ng mga establisiyemento.