Sumakabilang-buhay na ang 85-anyos na political mogul at dating congressman ng Isabela na si Rodolfo Albano Jr.
Si Albano ay kasalukuyang kinatawan ng LPGMA Party-list subalit maraming taon itong naging congressman ng Isabela.
Binawian ng buhay si Albano habang ginagamot sa isang ospital sa Maynila nitong Miyerkules, Nobyembre 6.
Si Albano ay kilala sa tawag na ‘Lakay Rudy’ ng kanyang mga kababayan sa Isabela.
Una itong nagsilbi bilang vice governor ng Isabela mula 1960 hanggang 1964.
Naging kongresista rin ito kalaunan sa lone district ng lalawigan mula 1969-1973 at mula 1978-1986.
Matapos ang snap elections ay nagsilbi itong congressman sa loob ng tatlong termino.
Mula 1987 -1998, 2001-2004 at 2010-2013.
Itinalaga rin itong Energy Regulatory Commission chairperson matapos ang kanyang termino bilang kongresista.
Kabilang naman sa mga anak nitong nasa pulitika pa ay sina Rodolfo III, incumbent Isabela governor; Antonio “Tonypet” Albano, incumbent congressman ay Mila Albano-Mamauag, ex-Cabagan town mayor.