Cong nagpakalbo para kay Emman

Sa kanyang recent vlog, nagpakalbo si Cong Velasquez para suportahan ang kapwa vlogger na si Emman Nimedez na nakikipaglaban sa leukemia.

Sa kanyang YouTube channel na ‘Cong TV,’ pinakita sa huling bahagi ng vlog na ‘Berswan’ na may hawak na razor si Cong at sinabi na hindi nag-iisa si Emman sa kanyang laban.

“Sa mga nakapanuod sa vlog ni Emman, nakita niyo naman na nagpakalbo na siya, and ito rin ‘yung way nakita ko of showing support to Emman na hindi siya nag-iisa sa laban na ‘to.”

Hindi pa ni-reveal ang kanyang shaved head, ngunit pinakita niya ito sa mga kasama niya sa bahay kung paano sila magre-react sa bago niyang hairstyle.

Sa latest vlog ni Emman, pinakita niya ang kanyang bagong shave head at bumubuti na ang kalagayan nang matapos ang first cycle ng kanyang chemotherapy.