Cong. Andaya pumanaw na

Kinumpirma ni ex-Rep. Rolando Nonoy Andaya ang pagpanaw ng kanyang kabiyak na si Camarines Sur 1st District Congresswoman Marissa Andaya nitong Hulyo 5 ng gabi.

“The love of my life has passed on into eternal life .” Bahagi ng inilabas sa Facebook page ng dating congressman.

“Marissa was a cancer warrior, staving off the ravages of that cruel disease for seven years.“

“Before she was elected to Congress, Marissa was already public servant without an office.

She was a one-person social welfare agency, who did things anonymously,” ayon pa sa naulilang mister.

Simula umano ng lockdown ay nagsisilbi ito sa kanyang mga kababayan katulad ng pagtulong sa mga maysakit mga stranded at nawalan ng hanapbuhay.

“She reluctantly returned to Manila on the first week of June for her scheduled medical check-up . It was there that we learned that her nemesis has returned with a vengeance,” salaysay pa ni Andaya.

Kaugnay nito ay nakiusap sa mga kaibigan ang ex-congressman para makapagdalamhati at iaanunsyo umano sa mga susunod na araw ang ibang detalye sa burol.