Comedian Kim Idol pumanaw na

Ilang araw matapos malagay sa kritikal na kondisyon at life support, tuluyan ng pumanaw si comedian Kim Idol ngayon araw, July 13.

Ang balita ay kinumpirma ng kanyang kaibigan na si Allan K.

Kim Idol Allan K.

“You were one of the best talents Klownz and Zirkoh have ever had. One of the funniest on and off stage. You will always be remembered by people whose lives you touched through comedy. Rest in peace Kim Idol,” caption ni Allan K sa kanyang tribute post kay Kim.

Noong 2015 ay binahagi ni Kim Idol na meron siyang arteriovenous malformation (AVM), isang rare medical condition sa utak.

Nakita siyang walang malay sa kanyang kuwarto sa Philippine Arena at dinala agad sa Manila Central University Hospital.

Bago pumanaw ay nag-volunteer itong quarantine officer at frontliner sa Bureau of Quarantine.