Coleen Billy baby

Sobrang cute ng family photo na ipinost ni Coleen Garcia sa kanyang Instagram account.

Nakaputi ang pamilya kaya nangibabaw ang kanilang magagandang itsura.

Pero nangibabaw ang komento ng mga netizens na mas hawig si Coleen sa kanilang anak ni Billy Crawford.

“Super cute baby, kamukha ni Coleen,” komento ng isang netizen. May nagsabi namang parang 4 months old na ang baby boy ng mga Crawford dahil sa laking bulas nito.

May nag-comment naman ng “ang guwapo-guwapo kamukha mo Coleen.”