Coleen, Billy pinasilip agad si baby Amari

“There’s so much I wanna say, but for now, I just want to praise God for being so so good. Thank you, Lord, for our beautiful Amari.”

Ito ang caption ni Coleen sa kanyang IG account kung saan ay ipinost ang anak ilang oras lamang bago nito isilang.

Malayong-malayo sa istilo ng ibang showbiz celebrity ang ipinamalas ng mag-asawang Crawford na itinatago ang itsura ng kanilang anak.

Kaya naman agad halos kalahating milyon na agad ang nag-like at heart sa nasabing post ni Coleen sa IG.

Isinilang ni Coleen ang anak sa bahay dahil sa pangamba sa COVID.