Itinaas na sa Sub-Level 2 ang alerto sa coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas epektibo kagabi.
Ang “Code Red Sub-Level 2” ay ipinaiiral kapag may ebidensiya na ng community transmission at laganap na ang kaso ng sakit.
Matatandaang Marso 7 nang itaas ng Department of Health ang “Code Red Sub-Level 1” matapos iulat ang unang local transmission ng COVID-19 sa bansa.
Ang pag-akyat ng alerto sa COVID-19 ay inanunsyo mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Marso 12 ng gabi sa meeting sa Malacañang na kanyang inanunsyo sa national television.