Coconut oil gamot sa COVID-19?

CoVid-19 coconut oilSusuriin bilang potensyal na gamot para sa coronavirus ang coconut oil.

Ayon kay Health secretary Francisco Duque III, mayroong mga pag-aaral na nakaka-neutralize ng virus ang virgin coconut oil (VCO), ngunit hindi pa ito malinaw sa coronavirus.

Sinabi rin ni Duque na hindi pa gagamitin ang VCO sa paggamot ng coronavirus hangga’t hindi ito aaprobahan ng World Health Organization (WHO).

Nagbigay ng reaksyon si Duque matapos ianunsiyo ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na isang propesor sa Ateneo de Manila University at doktor sa Estados Unidos ang nag-propose na gamitin ang VCO bilang gamot sa virus kahit wala pa ang pag-aaral ng WHO.