Coco Martin binalingan, Robin Padilla hindi pa tapos

Coco Martin Robin PadillaDahil sa lantarang pagbatikos sa ABS CBN ay nagawa na ring banatan ng aktor na si Robin Padilla ang kabaro nito sa showbiz na si ‘Ang Probinsyano’ star at director Coco Martin.

Nangyari ang pambabatikos ni Robin nang kuyugin ito ng netizens na kontra sa kanyang posisyon sa ABS CBN shutdown.

Sa Instagram post ay sinagot ni Robin ang isang nag-comment na sinabing dapat niyang gayahin si Coco Martin na nakatulong sa maraming aktor sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho sa mga ito.

Tugon ni Robin, marami na siyang nagawang pelikula at nagkataon na wala na siyang gana na gumawa dahil sa nangyayari aniya sa likod ng camera.

Partikular na nilantad ng action star ang umano’y pagbuhos ni Coco ng tubig sa mga crew na nakakatulog sa pagod.

Pumapatol din aniya si Coco sa mga babae.

“Napakarami ko pong pelikula na nagawa ko na, nagkataon lang na wala akong ganang mag pelikula dahil sa nangyayari sa likod ng camera matagal na pong practice yan, natutunan lang po yan ni Direk Coco sa mga naunang action stars, siguro po mainam sabihin niyo po kay Direk Coco na ‘wag bubuhusan ng tubig ‘yung mga crew na nakakatulog sa pagod at pagpatol sa location manager na babae.

Si John Lloyd (Cruz) po ay isa sa mga artista ng ABS-CBN na katulad ko ayaw na gumawa,” comment ni Robin.