Coco Martin, Ang Probinsyano stars bigay todo sa sing and dance video

Patok ang ipinost na video sa Instagram ng Kapamilya actor na si Coco Martin kasama ang mga cast ng ‘Ang Probinsyano.’

Umabot na sa halos 400K likes ang wala pang isang minutong video kung saan ay sumasabay habang nakaupo ang mga aktor sa saliw ng kantang ‘Dura.’

Kasama sa video maliban sa bida ng ‘Ang Probinsyano’ na si Coco ay kasama rin sa sing and dance number sina Raymart Santiago, Michael de Mesa at iba pa.

Light moment ang video ayon sa mga follower ni Coco na mga taga-showbiz na kinabibilangan nina Angel Locsin, Vina Morales, Angelika dela Cruz at marami pang iba.

Hindi binanggit sa Instagram ni Coco kung saan ang kanilang destinasyon habang sakay ng isang pick up truck.