Coco-Jennylyn, Vice-Anne, Vic-Maine labu-labo sa 2019 MMFF

MMFF Officials
Metro Manila Film Festival (MMFF) officials, during the announcement of the 8 film finalists for the 2019 Metro Manila film festival. (MMFF FB)

Kinumpirma na ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang walong mga pelikulang pasok sa 2019 film festival.

Una nang nakumpirma ang mga pelikulang Miracle In Cell No. 7 ng Viva Films, Mission Unstapabol: The Don Identity ng M-Zet Productions, Sunod ng Ten17P at The Mall, The Merrier ng ABS-CBN Film Productions.

AngMiracle In Cell No. 7 ay pagbibidahan nina Aga Muhlach at Bella Padilla. Sina Vic Sotto at Maine Mendoza naman ang magkasama sa Mission Unstapabol.

Tiyak riot ang unang beses namang pagsasama ng ‘It’s Showtime’ hosts na sina Anne Curtis at Vice Ganda sa ‘The Mall, The Merrier.’

Pang-apat ay ang pelikulang ‘Sunod’ ni Carmina Villarroel.

Ang huling apat na pelikulang napagdesisyunang isama sa listahan kahapon MMFF Selection Committee ay ang mga sumusunod: Mindanao ng Center Stage Productions na pagbibidahan nina Judy Ann Santos at Allen Dizon.

Pangalawa ay ang ‘Write About Love’ nina Miles Ocampo at Joem Bascon. Pangatlo ay ang ‘3Pol Trobol Huli Ka Balbon’ na pagsasamahan nina Coco Martin, Jennylyn Mercado at Ai-Ai delas Alas. Panghuli ay ang’ Culion’ ni Iza Calzado.