CLOY star Hyun Bin endorser ng PH telco

Hyun Bin CLOYKumpirmadong si Hyun Bin o mas kilala ngayon na Captain Ri ng K-drama hit Crash Landing On You ang pinakabagong endorser ng Smart Communications.

Nitong Miyerkoles, naglabas ang giant telco ng kanilang teaser ng isang lalake na nakasakay sa sports car.

“The Captain is coming. Watch out for the big RiVeal,” caption nito sa video tweet.

Sa nasabing tweet, nag-reply si PLDT president and CEO Manuel V. Pangilinan at kinumpirma na ang South Korean superstar nga ang nasa video.

“Yes. Hyun Bin it is. Ad online and tv will breakout on Monday, June 1, around noon. Go go go Smart,” tweet nito.

Una na ring nag-release ng teaser ang clothing brand na Bench at ang spekulasyon ay ang CLOY star din ang kanilang new global endorser.