Clint Bondad gusto kausapin si Sam Milby

Sa Instagram stories, binahagi ni model-actor Clint Bondad ang screenshot ng direct message niya kay Sam Milby.

“How about we have a little chat,” caption ni Clint sa story niya.

Clint Bondad Sam Milby IG

“Want to become my client?” direct message nito sa Kapamilya actor.

Si Clint ay dating boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, na karelasyon naman na ngayon ni Sam.

Nitong May, ni-reveal ni Sam ang relationship niya kay Catriona via Instagram noong 36th birthday niya.

Kakatapos lang ni Clint sa kanyang social media hiatus at nagpo-post na muli sa kanyang Instagram.