Claudine mas pinili si Julia Montes kay Julia Barretto

Julia Montes Julia BarrettoNaglabas na naman ng maanghang na opinyon si actress Claudine Barretto tungkol sa acting skills ng kanyang pamangkin na si Julia Barretto.

Sa kanyang Instagram post, may isang netizen ang nagtanong sa kanya kung sino ang mas magaling sa aktingan: Si Julia Montes ba o Julia Barretto.

Claudine Barretto opinion

“JULIA MONTES OF OF COURSE,” ang sagot ni Claudine.

Tinanong rin kung honest opinion ba ito o dahil sa galit ito sa kanyang pamangkin.

Walang kaabog-abog na sumagot ng “sweetheart BOTH” si Claudine sa online user.

Ang nasabing komento ay makikita sa post ni Claudine nitong March 3, kung saan nag-date sila ng kanyang mommy Inday.