Unti-unti nang nagkakalinaw ang eskandalong nangyari sa burol ng ama ng pamilya Barretto sa Heritage Memorial Park sa Taguig City.
Ilang nakasaksi sa pangyayari ang nagsabing pinagtulungan diumano ng mag-inang Marjorie at Julia si Claudine.
Una umano ay sinita ng mag-ina ang pagdating ni Claudine sa burol.
Dinuro-duro umano ni Marjorie ang nakababatang kapatid at nakisali ang anak na si Julia.
Nauwi umano sa pisikalan ang lahat dahilan para masugatan at sumakit ang ulo ni Claudine.
Dahil sa tinamong pinsala ay isinugod ang aktres sa St.Lukes Medical Center kung saan ay pinagpahinga ito ng doktor ng tatlong araw.
Hindi na nakadalo ang aktres sa kanyang huling lamay ng ama dahil iki-cremate na ito ngayong araw, Oktubre 19, 2019.