Imbes na damayan at kaawaan ay pang-ookray ang natikman ng aktres na si Claudine Barretto sa pinagdadaanang unos sa buhay dahil sa awayan ng pamilya.
Ilang minuto pa lang na-post ang video ni Claudine habang umiiyak ay nag-trending na rin ito.
May caption ang video ni Claudine ng ganito: Rico please help me. Take care of daddyIlang nag-react sa video ang nagsabing bakit kailangang i-video ang pagdadalamhati.
Tinawag din itong umaarte lang.
Gayunman ay may ilang supporters si Claudine ang nagtatanggol sa aktres.
Ayon sa mga supporters ni Claudine irespeto ang aktres sa kanyang pagdadalamhati lalo na’t nag-iisa ito sa buhay.
Ang post ni Claudine ay ginawa kasunod ng palitan ng maanghang ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie.