Claire dela Fuente 7 taong kulong sa tax evasion

Nasentensiyahang makulong si singer Claire dela Fuente ng pitong taon sa tax evasion.

Hinatulan ng guilty ng Court of Tax Appeals ng seven counts of tax evasion sa kanyang bus firm na Philippine Corinthian Liner Corporation (PCLC).

Pitong taong hindi nag-file ng income tax return simula noong 1998 hanggang 2004.

Kailangan din magbayad ng fine na nagkakahalaga ng P150,000 na may subsidiary imprisonment at karagdagang P50,000 kung hindi nito mabayaran ang original fine.

Nakilala si Dela Fuente bilang isa sa “Jukebox Queens” noong 1970s kasama nina Imelda Papin, Didith Reyes and Eva Eugenio, at hinirang na “Karen Carpenter of the Philippines”