CL iniwan na ang YG entertainment

Iniwan na ni CL ang kanyang agency na YG Entertainment dahil sa hindi pagkakasundo sa bagong kontrata.

Ayon sa exclusive report ng Sports Today, nag-usap ang dalawang kampo para sa pagre-renew ng kontrata nito pero hindi nagkasundo sa huli kaya ito tuluyan nang umalis.

Matapos ma-disband ang kanyang dating grupo na 2NE1 at pag-renew sa YG Entertainment noong 2016, naging solo artist ito at nakapag-release pa ng album sa United States.

Nagkaroon din siya ng TV appearances sa “MIXNINE” at “Livin’ The Double Life” ngunit hindi na ito nag-release ng bagong kanta. Ang huling kanta na kanyang ni-release under YG Entertainment ay ang final song ng 2NE1 na “Goodbye”.

Noong nakaraan taon, nagpahiwatig na rin ito na iiwan niya ang kanyang agency sa isang comment sa fan nito.