Pangungunahan ni Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu at dating envoy sa Iraq ang evacuation ng mga Pinoy sa Middle East kasabay ng tumitinding tensyon.
Sumiklab ang gulo sa Gitnang Silangan matapos mapatay ng puwersa ng US ang top general ng Iran na si Qasem Soleimani sa Iraq.
Isang special committee ang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na itatag para mangasiwa sa emergency evacuation sa mga Pinoy sa Middle East.
Ipinalabas ang direktiba ng Pangulo para masiguro ang kaligtasan ng milyong OFW sa Gitnang Silangan bunsod ng tumataas na tensiyon sa rehiyon dahil sa girian ng Amerika at Iran.
Maliban kay Cimatu na mangangasiwa sa repatriation ay katuwang nito sa paghahanda ay ang ilang ahensya ng gobyerno na kabibilangan ng Department of National Defense, Department of Interior and Local Government, National Security Adviser, Department of Foreign Affairs at Department of Transportation.