Pinailawan ang Christ the Reedemer statue sa Brazil nitong Easter Sunday upang magmukha itong doktor, pagkilala sa mga frontliner sa buong mundo na nakikibaka sa coronavirus pandemic.
Pinakita rin ang bandila ng ilang bansa na apektado ng outbreak, na tanaw sa buong Rio de Janeiro.
Nagkaroon din ng misa sa base ng estatwa habang ginaganap ang light show.
Ito ang ikalawang beses na pinailawan ang Christ the Redeemer dahil sa pandemic.
Noong nakaraan buwan, pinakita ang mga bandila ng bansa na tinamaan na ng virus sa nasabing monumento.
Sa ngayon ay nasa 22,000 na ang kaso ng COVID-19 sa Brazil at 1,230 na ang namamatay.