Magiging ama muli si actor Chris Pratt dahil buntis ang kanyang asawa na si Katherine Schwarzenegger.
Ito ang unang baby ng mag-asawa.
Si Chris ay mayroong anak na lalake sa kanyang ex-wife na si Anna Faris.
Si Katherine ay isang author at anak nina actor-governor Arnold Schwarzenegger at broadcast journalist Maria Shriver. Ikinasal ang dalawa noong June 8, 2019 sa California.