Choi Ji Woo nanganak na

Korean Choi Ji WooGanap ng ina si Korean actress Choi Ji Woo ng isilang nito ang kanyang first baby, sa edad na 45.

Nanganak ito sa kanyang baby daughter, Sabado ng umaga.

“Choi Ji Woo gave birth to her daughter this morning. Both the mother and daughter are in good health. Choi Ji Woo is currently resting and recuperating. We wish to thank everyone who has been sending in their congratulations,” ayon sa statement na inilabas ng kanyang agency YG Entertainment.

Ikinasal si Choi Ji Woo sa kanyang non-showbiz husband noong March 2018 at inanunsiyo ang kanyang pagbubuntis nitong December 2019.

Sumikat ang aktres sa pagganap nito sa ‘Stairway to Heaven’ bilang Jodi.