Nagbabala ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa pagdagsa ng mas maraming mga manggagawang Tsino sa mga kritikal na imprastraktura ng bansa at sa maraming mga industriya na nagdadala ng mas seryosong implikasyon sa lokal na trabaho at sa pambansang seguridad.
Sa pamamagitan nito, bukas ang labor group sa pagi-imbestiga ng Senado bilang tulong sa lumalaking insidente ng hindi dokumentadong dayuhang manggagawa na hindi lamang sa mga konstruksyon at POGO online gambling ngunit upang tignan din ang epekto sa alalahanin ng national security na inilabas.
“The Chinese workers are present or are coming in to the National Grid Corporation of the Philippines(which is partly owned by the Chinese state-owned national transmission corporation), through “tied-aid” projects such as water sector projects like the Kaliwa Dam, the third Telecommunications provider, and railways projects, ” sabi ng tagapagsalita ng TUCP na si Alan Tanjusay.
Sa madaling salita aniya, ang mga Tsino ay nasa ‘strategic’ sectors – power, water, communications, transport, at construction kung saan hindi lamang sila umaagaw ng mga trabaho sa mga Pilipino, ngunit napapakialaman na rin ang ekonomiya ng bansa.
Hindi lamang mga negatibong implikasyon sa trabaho ngunit mayroon ding mga implikasyon sa pambansang seguridad, paliwanag ni Tanjusay.
Ayon sa grupo ito ay mga istratehikong industriya na interes ng publiko at may implikasyon sa pambansang seguridad.
Ang malinaw anila ang DOLE ay talagang walang employment strategy at hindi nakikipag-ugnay sa DOTR, DICT, DOE-NAPOCOR, DPWH, NATIONAL WATER RESOURCES BOARD sa malalaking item na may potensyal na pagbuo ng trabaho. Sinabi pa ni Tanjusay na sa unemployment na 10% na ipinapaubayang mga trabaho sa mga Intsik ay magpapalala lamang sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino na maaaring gumawa ng trabaho na ibinibigay sa mga Tsino sa ating sariling bansa.