Napasok na nga ang Pilipinas ng novel coronavirus o 2019-nCoV.
Ito ang kinumpirma ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III
isang araw ang nakalipas mula nang iulat ang pagkamatay ng isang Chinese na hinihinalang may taglay ng Wuhan coronavirus.
Pero ayon sa DOH hindi sa coronavirus namatay ang Chinese national kundi sa pneumonia.
Kahapon, Enero 30 sa isang presscon at inamin ng DOH na naitala na ang unang kaso ng nakamamatay na coronavirus sa Pilipinas.
Ang nagpositibo ay isang babaeng Chinese na nagpositibo na dumating sa bansa noon pang Enero 21 pero nagpa-admit noong Enero 25 dahil sa ubo.
Ang nagpositibo ay napag-alaman ding bumiyahe sa Cebu at Dumaguete.
Dahil dito inaalam na ng DOH at Bureau of Quarantine (BOQ) kung sinu-sino ang nakahalubilo ng Chinese.