Nilinaw ng Department of Health (DOH) na sa pneumonia namatay ang isa sa tatlong Chinese national unang hinihinalaang kaso ng novel coronavirus sa Pilipinas.
Sa ulat ng DOH na-admit ang Chinese kasama ang dalawa pa sa San Lazaro Hospital noong Lunes, January 27, matapos imakitaan ng sintomas ng lagnat.
Subalit sa pagsusuri sa San Lazaro ay maliban sa pneumonia ay nagpositibo rin sa HIV sa initial screening ang namatay na Chinese.
Binanggit din ni San Lazaro Hospital director Edmundo Lopez na payat at may mga sugat at tama sa baga ang Chinese.
Kinumpirma naman ni Health Secretary Francisco Duque III na ang tatlong Chinese national ay may record ng pagpunta sa Wuhan, China kung saan nagsimula ang coronavirus outbreak.