Chinese galing Wuhan, nasa San Lazaro sa Coronavirus alert

Naka-confine sa San Lazaro Hospital sa Maynila ang mag-asawang Chinese na mayroong sintomas ng Coronavirus.

Ayon kay spokesperson Dr. Ferdinand De Guzman, ang dalawa na nasa edad 40 at 30 anyos ay galing Wuhan at na-admit noong Biyernes.

Nakitaan ng sintomas ang lalake samantala ubo lamang sa babae.

Ayon sa Department of Health (DOH), may 11 katao ang under investigation sa posibleng coronavirus.