China pasok sa travel ban; 30 bansa pa saklaw

Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) ang pagdadagdag ng travel restrictions ng lima pang bansa simula alas-12:01 Miyerkules ng hapon, January 13.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente nakataggap sila ng kautusan mula sa Malacanang na ang mga dayuhang pasahero na manggagaling sa Pakistan, Jamaica, Luxeborg at ang Peoples Republic of China ay hindi maaring pumasok ng bansa.

Sa nasabing expanded travel restrictions, ang mga dayuhan na mangagaling o nanggaling mula sa nabanggit na limang bansa sa loob ng 14 na araw mula sa kanilang pagdating sa Piliinas ay hindi kasama.

“Filipinos will still be allowed entry, subject to a strict 14-day facility-based quarantine, to be implemented by the airport’s one stop shop,” sabi ni Morente.

Sa kabuuan, umabot na sa 33 bansa ang pinababawalang pumasok. Nauna nang nagpatupad ang gobiyerno ng travel ban mula sa United Kingdom, Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, Hong Kong SAR, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, Spain, at ang United States.

Nadagdag dito ang Portugal, India, Finland, Norway, Jordan, Brazil, at Austria.

“The travel restriction for aliens arriving from these countries will last until January 15, unless otherwise extended or expanded by Malacanang or the Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases,” paliwwaang pa ni Morente.