Chicano buwenas sa SEA Games; 23 ginto nakubra sa day 1

Buwenas ang pagkakasungkit ng ginto ng isa sa pambato ng Pilipinas sa triathlon na si John ‘Rambo’ Chicano sa unang araw ng 30th Southeast Asian Games nitong Disyembre 1.

Ito ay dahil umabot sa 23 gintong medalyang nasungkit ng mga atletang Pinoy.

John 'Rambo' Chicano
John ‘Rambo’ Chicano (IG)

Kabilang sa mga atletang kumumpleto sa 23 gold medal ay ang sumusunod:

Dancesport (10), Arnis (5), Sepak Takraw (2), Triathlon (2);Wushu, Gymnastics, Chess, at Kurash.