Chariz Solomon nakipag-away sa Chinese

Chariz SolomonIbinahagi ng Kapuso comedienne Chariz Solomon sa kanyang Facebook account ang kanyang pang-aaway sa isang matandang Chinese na babae dahil sa paninigaw at pananakit nito sa kanyang anak.

Nangyari ang insidente noong New Year’s Eve, December 31, Martes sa indoor playground ng Shangri-La Plaza, Mandaluyong City.

Ikinuwento nito ang pananakit at paninigaw ng matandang babae sa kanyang 4-year-old son.

Kitang kita umano niya ang pananakit ng babae habang sinisigawan in Chinese language.

Hindi sinasadya ng kanyang anak na matapakan ang daliri ng 2-year-old ng Chinese na ikinagalit naman nito.

Nagalit din umano siya at nagsagutan pa sila ng matanda kasama na rin ang nanay ng bata.

Lumipat na lang ng ibang playground sila Chariz at kanyang mga anak upang makaiwas sa gulo.