Nagdadate na muli sina ‘Magic Mike’ actor Channing Tatum at ‘Price Tag’ singer Jessie J, na kanilang kinumpirma sa kanilang Instagram account.
Nag-post si Channing ng kanilang sweet picture ni Jessie na nakahalik sa kanyang baba, habang nakasuot ng unicorn ears at horns.
Naging official ang dalawa noong 2018 at nagbreak ng Disyembre 2019.
Si Tatum ay ex-husband ni actress Jenna Dewan, at may isa silang anak na si Everly. Naghiwalay sila noong April 2018 matapos ang nine years of marriage.