Channing Tatum at Jessie J hiwalay na!

Break na sina Channing Tatum at Jessie J. matapos ang may isang taong relasyon.

Wala naman umanong naging drama sa halip ay nagkasundo lamang ang aktor at ang singer na tapusin naang kanilang relasyon.

Channing Tatum & Jessie J.
Channing Tatum & Jessie J. (IG)

Unang ibinalita ng Us Weekly ang split up nina Channing at Jessie J. at kinumpirma naman ito ng People.

Naging lantaran ang relasyon nina Channing at Jessie ilang buwan lamang matapos makipaghiwalay ang aktor sa kanyang asawang si Jenna Dewan.

Hindi umano nagtutugma ang iskedyul nina Channin at Jessie dahil mas gusto ng aktor na manatili sa Los Angeles para makasama ang 6-anyos na anak nila ni Jenna.

Mas gsuto naman ni Jessie na manatili sa England.