Celine Dion, Justine Bieber, Shania Twain, Bryan Adams at iba pa sa “Stronger Together, Tous Ensemble” ng Canada

Matapos ang matagumpay na One World: Together At Home concert na inorganisa ni Lady Gaga sa Amerika, ang mga celebrities naman ng Canada ang mapapanood sa isang 90-minute benefit event ngayon.

Mapapanood ang mga kilalang Canadian celebrities kabilang sina Celine Dion, Justin Bieber, Avril Lavigne, Michael Bublé, Bryan Adams, Shania Twain, Sarah McLachlan at Ryan Reynolds sa Canadian COVID-19 broadcast benefit ngayon.

Ang “Stronger Together, Tous Ensemble” ay isang multi-platform event at $150-million campaign na naglalayong makalikom ng suporta para Food Banks Canada ngayong panahon ng coronavirus pandemic.

Tatagal ang show ng 90 minuto na merong musika at mensahe ng mga kilalang Canadian artists, sports figures at mga prominenteng indibidwal.

Layunin din ng star-studded show na ito na makapagbigay ng stories of hope, inspiration at mabigyan ng pagsaludo ang mga frontliners na napapasabak sa COVID-19.