CebuPac sinuspendi ang online check-in sa international flight

Pansamantalang sinuspendi ng Cebu Pacific ang kanilang online check-in sa mga international flight bilang bahagi ng pag-iingat sa coronavirus (COVID-19).

“Hi everyJuan, online check-in is temporarily unavailable for international flights, as we have to check prior travel due to COVID-19,” bahagi ng anunsyo ng CebuPac sa kanilang Twitter account.

Kaugnay nito ay inabisuhan ng airline ang kanilang mga pasahero na dumiretso sa mga airport counter para masuri ang ang kanilang mga travel document at makakuha ng boarding pass.

Ang Pilipinas ay nagpapairal ng temporary travel ban sa mga galing China, Hong Kong, Macau at South Korea.

Hindi naman apektado ng online check-in ang mga domestic flight ng CebuPac.