CebuPac may 2-day sale para sa June-Sept travel

May dalawang araw na sale ang budget carrier na Cebu Pacific simula ngayong araw.

Epektibo ang sale ngayong Nobyembre 11 hanggang bukas Nobyembre 12, 2019.

Tinawag ng CebuPac ang sale na “The Most 1-Derful Seat Sale 11.11”.

Ang sale ay mag-aalok ng iba’t ibang ruta sa kada walong oras.

Sa unang araw ng sale, Nobyembre 11 mula alas-12:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng umaga ang mga ibebentang seat ay para sa lahat ng local na destinasyon.

Mula alas-8:00 ng umaga naman hanggang alas-4:00 ng hapon ay mga biyahe sa East Asia ang isi-sale.

Alas-4:00 ng hapon naman hanggang alas-12:00 ng madaling-araw ay mga biyahe sa ASEAN, Australia at Dubai.

Ang lahat naman ng hindi mabebentang upuan ay ibebenta ng buong araw sa Nobyembre 12.

Ang travel period ng mga on sale na biyahe ay mula Hunyo 1 hanggang Setyembre 30, 2020.