Ayon sa statement na inilabas ng Deparment of Health (DOH), kinumpirma ng Research Institute of Tropical Medicine (RITM) na positibo sa poliovirus ang sample mula sa Butuanon River sa Mandaue City, Cebu, Sabado.
Dineklara ang polio outbreak sa Pilipinas noong Setyembre 2019, matapos ang ilang dekada.
Wala pa ring gamot sa highly infectious virus na maaaring maging dahilan ng pagkaparalisa at pagkamatay.
Ang huling kaso ng poliovirus na naitala sa bansa ay noong 1993.
Nakikipag-ugnayan na sa World Health Organization (WHO) ang DOH para sa bakuna, at nakikipagtulungan na rin sa lokal na pamahalaan ng Cabanatuan at Mandaue para masubaybayan ang epekto nito sa kanilang bayan.
Kinumpirma rin ang ika-17 kaso ng polio sa bansa na isang taong gulang na taga-Cabanatuan City, Nueve Ecija.