Cebu mayor nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo si Daanbantayan Mayor Sun Shimura sa coronavirus, at naging pangalawang alkalde mula sa Cebu na nahawaan ng sakit.

Inanunsiyo ito ni Shimura nitong Linggo ng gabi, matapos mag-swab test noong Sabado.

Ayon kay Shimura, dumalo siya sa isang pulong sa Kapitolyo at sumali sa isang press briefing kasama ni Cebu Gobernador Gwen Garcia noong Hunyo 17, pagkatapos ay nakaranas siya ng ubo at lagnat na nag-udyok sa kanya na sumailalim sa swab test.

Pina-disinfect na ang buong municipal hall building sa kanyang bayan, Lunes, Hunyo 22, at sinuspendi ang operasyon ng Mayor’s office ng isang linggo.

Unang mayor na nainfect sa Cebu ay si Lapu-Lapu City mayor Junard Ahong Chan.