Cebu City jail nagtala ng 207 COVID-19 cases

Cebu City JailNagtala ng bagong 63 cases ng coronavirus ang Cebu City jail nitong Sabado, na mayroon ng kabuuang 207 kaso ayon kay Mayor Edgardo Labella.

Sa ngayon ay mayroon ng 411 cases ng COVID-19 sa Cebu City, na pinakamalaking bilang na naitala sa Central Visayas.

Ani Labella, nakapag-mass testing sila dahil nakakuha sila ng mahigit 40,000 test kits.

Karamihan sa nagpositibo sa ay asymptomatic o walang nararamdamang sintomas.