Catriona Gray tutuluyan ang nagpakalat ng pekeng nude photo

Nakaantabay ang National Bureau of Investigation (NBI) sa kasong isasampa ni Miss Universe 2018 Catriona Gray bago umarangkada sa imbestigasyon sa kanyang reklamo.

Ayon kay NBI Cybercrime Division Chief Victor Lorenzo na ang insidente sa bogus semi-nude photo ng beauty queen na nagign viral sa social media ay hindi maiimbestigahan nang wala itong pormal na pahayag.

Gayunman ay nangako umano ang kampo ni Catriona sa NBI na isasampa ang kaso ngayong linggo.

“Possible charges are libel or voyeurism,” ani Lorenzo dahil importante ang pahayag ni Catriona bilang aggrieved party.

Ang pinekeng larawan ay galing umano sa promotional campaign ng beauty queen sa isang clothing company.

Matatandaang Hulyo nang dumulog si Gray sa NBI at hiningi ang tulong ng NBI para habulin ang nagpakalat ng kanyang pekeng larawan.