Catriona Gray tumigil magturo sa Nas Academy

Hindi muna tatanggap ng bagong applicants sa Nas Academy si Catriona Gray hanggang maresolba ang issue sa masterclass ni Whang-Od.

Inanunsiyo ito ng kanyang talent management, Cornerstone Entertainment, nitong Linggo.

“Cornerstone Entertainment, Catriona Gray and Nas Academy have agreed to stop accepting new applicants for the Catriona Gray Academy until the issue of ‘Whang-Od’ has been fully resolved,” ayon sa statement.

“Cornerstone will continue to monitor the progress of this incident.”

Ang nasabing post ay matapos ihinto ng Nas Academy ang operations nito sa Pilipinas kasunod ng kontrobersya tungkol sa Whang-Od Academy.

Nagsimula ang issue ng Whang-Od Academy ng mag-post ang apo niyang si Grace Palicas na walang alam ang artist tungkol sa kontrata.

Kinabukasan ay nag-isyu ng statement si Nas kasama ang video na nag-thumb print sa contract si Whang-Od kasama ang kanyang pamangkin na si Estella Palangdao.

Isa si Catriona Gray sa mga Pinoy personalities na naging teacher sa Nas Academy.