Catriona Gray tinulungan ng kalapati

Tinulungan ng kalapati si Catriona Gray sa kanyang photo shoot na kinunan sa Milan, Italy.

Sa Instagram account ni Miss Universe 2018, binahagi nito ang kanyang suot na lime green suit kasama ang Italian building sa background.

Catriona Gray Milan, Italy

Lumakad siya kung saan nagtitipon ang mga kalapati, na dahilan ng pagliparan ng mga ito na ikinaganda pa ng nasabing litrato.

“When the pigeons are cooperative,” caption ni Queen Catriona sa kanyang post.

Nagpunta ng Milan ang beauty queen para sa Fashion Week.