Catriona Gray, Sam Milby may music collab

For the first time as couple, nagpakita na sa public sina Catriona Gray at Sam Milby sa isang music collaboration.

Ni-release ng singer-beauty queen ang ‘stripped version’ ng kantang ‘We’re In This Together’ sa kanyang YouTube channel nitong Sabado.

Ang ‘We’re In This Together’ ay inspirational song para sa benefit ng non-government organization na Young Focus Philippines noong 2018.

Ang single ay ni-release ulit bilang suporta sa online education program ng Young Focus beneficiaries.

Sa video, kumakanta si Catriona habang naggigitara naman si Sam.

Ito ang first public appearance as couple nina Catriona at Sam.

Kinumpirma ni Sam ang kanilang relasyon noong kaarawan niya nitong Mayo.

Ang dalawa ay magkapareho ng talent  management agency, ang Cornerstone Entertainment.