Catriona Gray inokray sa Miss Universe Colombia

“Australian by birth represented PH.”

Ganito ipinakilala si 2018 Miss Universe Catriona Gray sa 2020 Miss Universe Colombia kung saan isa ito sa mga judge.

Maliban sa nasabing introduction ay palpak rin ang organizer ng Miss U sa Colombia dahil naging Garay ang apelyido na ipinakita sa screen sa halip na Gray nang ipakilala itong judge.

Dahil kay Catriona ay nag-trending ang pageant at binatikos ang Miss U Colombia dahil sa umano’y hindi pagrespeto sa Pilipinas at kay Catriona.