Catriona Gray humingi ng P10M sa nagpakalat ng kanyang fake nude photos

Tumataginting na P10M ang hinihinging danyos ni 2018 Miss Universe Catriona Gray sa nagpakalat sa online at pahayagan ng kanyang pekeng nude pictures.

Isang demand letter ang ipinadala ng kampo ni Catriona sa pamamagitan ni Atty. Joji Alonso sa Bulgar newspaper na nagpakalat umano sa online noong Hulyo 18 at kinabukasan ay sa kanila namang pahayagan.

Sa demand letter na may persang Hulyo 30, humihingi ng P10 milyon bilang danyos dahil sa pagsira sa kanyang reputasyon ang pahayagan bukod pa sa inaatasan itong humingi ng public apology.

Matinding kahihiyan ayon pa sa kampo ng Miss Universe ang artikulong lumabas na may kalakip pang pinekeng larawan ni Catriona.