Catanduanes, Eastern at Northern Samar signal no. 1 kay Ramon

Itinaas na sa signal no. 1 ang bagyong Ramon kung saan ay tatlong lalawigan ang tatamaan.

PAGASA, Ramon

Sa inilabas na 5 a.m. weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) mananalas ang bagyong Ramon sa Catanduanes, Eastern Samar at eastern portion ng Northern Samar.

Light to moderate na may kasamang malakas na pagbuhos ng ulan ang mararanasan sa mga lalawigan ng Catanduanes, Camarines Sur, Albay at Sorsogon.

Light to moderate na pag-ulan din ang iiral sa Camarines Norte, Masbate, Northern Samar at Eastern Samar.

Alas- 4 a.m. nitong Miyerkules ang bagyong Ramon ay namataan sa layong 515 kilometer ng east of Borongan, Eastern Samar at may taglay na lakas ng hangin na 55 kilometers per hour (kph) near malapit sa gitna at gustiness na 70 kph at patungo sa direksyon ng west northwest sa lakas na 15 kph.

Ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at Central Luzon ay makakaranas ng maulap na papawirin at may manaka-nakang pag-ulan.