Cassie at Kristoff ‘Love is in the air’?

Nagkakamabutihan na nga ba ang Kadenang Ginto stars na sina Francine Diaz at Kyle Echarri?

Sa interview nila sa “Tonight with Boy Abunda”, inamin ni Kyle ang nararamdaman nito kay Francine.

KyCine
Francine Diaz at Kyle Echarri (IG)

“Masaya po ako ‘pag nakikita ko siyang masaya” sey ni Kyle sa kanyang ka-loveteam.

Nagpalitan sila ng sweet messages sa isa’t isa.

“Thank you so much kasi pagka sad ako, gumagawa ka ng way para mapasaya ko. And thank you, kasi kapag may problema ako, nakikinig ka sa akin palagi, never mo akong iniwan sa ere,” sagot naman ni Francine na nagpakilig sa kanilang mga fan.

Ang loveteam nina Francine at Kyle ay mas kilala bilang Cassie at Kristoff sa Kapamilya afternoon serye na “Kadenang Ginto”.