Carly Rae Jepsen naglabas ng bagong album

Ni-release na ni Canadian singer-songwriter Carly Rae Jepsen ang kanyang bagong album na ‘Dedicated Side B’ na second part ng kanyang 2019 album ‘Dedicated.’

“So, yes there have been whispers and I’m bad at keeping secrets. Side B for DEDICATED is out now babies. I hope it makes it yah dance your pants off! I owe yah one…or like two albums turns out,” sey ng singer.

Sa kanyang Twitter account, binahagi nito ang video teaser ng kanyang new album at sa sumunod na araw nilabas ang track list nito.

“New tunes for your blues. If this helps in any small way – I’m relieved,” sey ng ‘Call Me Maybe’ singer.

Nagpunta na rin ng Manila si Carly last year para sa ‘Dedicated’ tour sa New Frontier Theater.

Mapapakinggan ang ‘Dedicated Side B’ album sa Spotify at iba pang major streaming platforms.